WebClick Tracer

DOH chief pabor gawing legal paggamit ng medical marijuana

Inihayag ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na pabor siya sa paggamit ng cannabis o marijuana para sa layuning medikal ngunit hindi siya aprub sa pagtatanim at manufacturing nito sa bansa.

“I’m for the legalization of medical use of marijuana, but I’m not in favor of cultivating marijuana plants for farming, and manufacturing kasi ‘pag ganoon, wala pa tayong checks and balance,” paliwanag ng kalihim sa isang Kapihan forum.

“Hindi ko mako-confirm na dito tayo magma-manufacture kasi mapo-promote ‘yung pag-plant. The reason for that is lahat ng gamot magiging imported. ‘Pag imported pa rin siya, madali mo siyang makontrol kasi ibig sabihin noon, medical marijuana would still be regulated,” dagdag pa niya.

Aniya, maaaring magamit ang medical cannabis para sa mga dumaranas ng hirap sa sakit na cancer, glaucoma, mga seizure disorder at maraming iba pang sakit. (IS)

See Related Story Here:

Dr. Ted Herbosa, bet maging DOH secretary ng PHAP

TELETABLOID

Follow Abante News on