WebClick Tracer

DepEd binira sa hininging P150M confidential fund

Binira ng isang mambabatas ang Department of Education (DepEd) sa paghingi nito ng P150 milyong confidential fund sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

Iminungkahi rin ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na palitan na ang pangalan ng DepEd at gawin na lamang Department of Surveillance dahil sa plano nitong paggamit ng confidential fund para manmanan ang mga guro at estudyante na mapaghihinalaang sangkot sa illegal recruitment.

“Is the DepEd now a police or military agency that it is conducting surveillance operations on students and teachers? Dapat pala siguro Department of Surveillance na ang tawag dito at di Department of Education,” sabi ni Castro.

“It has not even scratched the surface in solving the learning crisis as well as providing adequate classrooms and a substantial salary increase for teachers as well as hire more teachers and now it is conducting surveillance?” tanong pa ng mambabatas.

Ayon kay DepEd Undersecretary and spokesperson Michael Poa ang P150 milyong confidential fund ay gagamitin upang makakolekta ng impormasyon laban sa nangyayaring illegal recruitment sa mga paaralan at makagawa ng hakbang ang ahensya kaugnay nito.

“This statement of DepEd is also proof that indeed it is profiling, surveilling and harassing members and officers of the Alliance of Concerned Teachers,” dagdag pa ni Castro.

Gagawa umano ng hakbang si Castro sa pagdinig ng budget upang maalis ang confidential at intelligence funds sa DepEd at iba pang sibilyang ahensya ng gobyerno. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on