WebClick Tracer

BBM kay Galido: Gawing world-class ang Army

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong hepe ng Philippine Army na si Lt. General Roy Galido na hubugin ang Philippine Army bilang world-class na puwersa.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo matapos pangunahan ang change of command nitong Lunes ng hapon sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na kumpiyansa siyang mapangangasiwaan ni Galido ang Philippine Army sa layuning mapagtagumpayan ang kampanya laban sa insureksiyon at matuldukan ang mga banta ng terorismo sa bansa.

Hangad ng Pangulo na maipagpatuloy ng bagong Army Chief ang mga nasimulang pagbabago sa hanay ng Hukbong Katihan at maging world class na puwersa na maaaring ipagmalaki ng bawat Pilipino.

” I look forward to your plans to protect the shared identity that our past and present generations have built, to transform the army into a world-class force that is a source of our country’s security and peace and pride,” anang Pangulo.

Hinikayat din ng Presidente si Galido na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa dayuhang counterparts, palawakin ang interoperability communications upang mapahusay ang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng joint exercises.

Tiniyak naman ni Pangulong Marcos jr . sa bagong Army Chief ang buong suporta ng gobyerno sa modernisasyon ng Philippine Army at ng Armed Forces of the Philippines.

“As your President and Commander-in- Chief, I assure you that this Administration is committed to supporting you by modernizing the Army and the Armed Forces of the Philippines,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on