WebClick Tracer

Away ng 2 pulis sa presinto nauwi sa barilan

Patay ang isang pulis matapos umanong mauwi sa barilan ang pagtatalo nila ng kapwa niya pulis sa loob ng presinto sa Taguig City nitong Lunes.

Ipinag-utos na ni Southern Police District Director PBGen. Roderick Mariano ang masinsinang imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa loob ng Community Affairs Section ng Taguig City Police Headquarters.

Kinilala ang nagbarilan na sina Executive Master Sergeant Heriberto Saguiped at Chief Master Sergeant Alraquib Aguel.

Dumating umano sa presinto si Aguel at nilapitan si Saguiped.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Aguel at Saguiped habang sinubukan silang pakalmahin ni Corporal Alison Sindac.

Hindi nagtagumpay si Sindac na pakalmahin ang mga kasamahan at maging siya ay nabaril din.

Sugatan umano at nasa ospital ang suspek at si Sindac.

TELETABLOID

Follow Abante News on