WebClick Tracer

1st birthday ng only child ni Smokey Manaloto ginanap sa bahay-ampunan

Naging mas makabuluhan ang unang kaarawan ng unico hijo ni Smokey Manaloto.

Ipinagdiwang kasi ang 1st birthday ni Kiko sa New Faith Family Children’s Home, isang

orphanage sa Cainta, Rizal.

Sa Facebook, ilang litrato ng birthday celebration ang ibinahagi ni Smokey.

Ayon sa aktor, nag-decide silang isagawa sa bahay-ampunan ang birthday ni Kiko dahil gusto nilang mag-share ng blessings nang dumating sa buhay nila ang anak.

Maliban sa pakain sa mga naroroon, namahagi rin sila ng mga laruan at nagpalaro.

“Hinde namin ineexpect na yung experience na yun would bring so much emotions sa puso namin. Sa sandaling oras na nakapagshare kami ng mga regalo sa kanila ay ang bilis ding napalapit ang loob namin sa mga bata doon. Lahat sila magagalang… lahat sila palatawa… lahat sila mabait… at higit sa lahat… lahat sila ay may magandang relasyon sa ating Panginoon dahil na din sa mga aral na tinuturo ng mga nagaalaga sa kanila,” wika ni Smokey. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on