WebClick Tracer

US, EU kinondena China sa pagbomba ng tubig sa barko ng Pilipinas

Kinondena ng United States (US) at European Union (EU) ang pagkanyon ng tubig ng China Coast Guard (CCG) sa mga barko ng Pilipinas na maghahatid ng supply sa West Philippine Sea (WPS).

Sa inilabas na statement, sinabi ng US State Department (USD) na ang ginawa ng CCG ay direktang naglagay sa panganib sa peace and stability sa rehiyon.

“Firing water cannons and employing unsafe blocking maneuvers, PRC ships interfered with the Philippines’ lawful exercise of high seas freedom of navigation and jeopardized the safety of the Philippine vessels and crew,” anang USD.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si EU Ambassador to the Philippines Luc Véron sa “mapanganib” na aksyon ng CCG laban sa Philippine Coast Guard (PCG).

“The EU supports the legally binding nature of the 2016 South China Sea arbitration,” saad ni Véron sa isang Twitter post.

Nangyari ang insidente noong Sabado nang magpaputok ng water cannon ang CCG sa mga sasakyang-pandagat ng Pilipinas na naghahatid ng pagkain, tubig, gasolina at iba pang suplay sa mga opisyal ng militar na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on