WebClick Tracer

Trailer ng bagong movie ni Kathryn Bernardo humakot ng 15M views

Tila sabik na ang fans ni Kathryn Bernardo na mapanood siyang muli sa big screen.

Agad humakot ng milyon-milyong views sa TikTok ang trailer ng upcoming movie niyang “A Very Good Girl”.

Nakasama niya rito ang Golden Globe nominee na si Dolly de Leon.

“#AVeryGoodGirl has reached 15 MILLION VIEWS ON TIKTOK! You guys are something else. Can’t wait to see you all in cinemas this September 27!” saad sa Facebook post ng ABS-CBN Star Cinema.

Ang pelikulang ito ang movie comeback ni Kathryn, halos apat na taon matapos ang 2019 blockbuster hit “Hello, Love, Goodbye”, kung saan nakapareha niya si Alden Richards.

Bukod sa movie with Dolly, may reunion project din si Kathryn kasama ang boyfriend niyang si Daniel Padilla, at isang film sa direksiyon ni Olivia Lamasan. (IS)

 

 

See related stories:

Kathryn Bernardo itinanghal na Outstanding Asian Star sa 2023 Seoul International Drama Awards

Kathryn Bernardo wagi na Outstanding Asian Star sa Seoul

Never nagyosi! Cristy Fermin dinepensa si Kathryn Bernardo

TELETABLOID

Follow Abante News on