WebClick Tracer

Sobrang traffic! MMDA sinampolan construction company sa LRT-1 extension project

Pinatitigil ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng construction company na may hawak sa LRT-1 North Extension Common Station project.

Naglabas ng notice of violation ang MMDA laban sa construction company na hindi pa pinangalanan dahil sa obstruction dulot ng naturang proyekto.

Dahilan ng MMDA, nagdulot ng matinding bigat ng trapiko ang pagsasara ng lane sa North Avenue, Quezon City.

Kaya naman nag-issue ng work stoppage hold order ang MMDA at pinatigil muna ang trabaho sa LRT-1 extension project.

“In view hereof, you are advised to stop immediately all your construction activities in your project site,” bahagi ng notice of violation ng MMDA.

Pinatawag din ng MMDA ang mga representative ng construction company para magpaliwanag, inaasahan din na pagmultahin ang kompanya dahil sa perwisyong dinulot sa mga motorista. (RP)

See related stories:

MGA MOTORISTANG SUMILONG SA FOOTBRIDGE, OVERPASS TINIKETAN NA NG MMDA

MMDA sinuspende number coding sa SONA

Rider na sisilong sa overpass, multa na simula Agosto – MMDA

TELETABLOID

Follow Abante News on