WebClick Tracer

Senado iimbestigahan na mass grave sa Bilibid

Nakatakda sa darating na Martes, Agosto 8, ang pag-iimbestiga ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa nadiskubreng mass grave sa loob ng maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, chairman ng komite ang pagdinig ng Senado ay isasagawa sa loob ng national penitentiary nang sa gayon ay makadalo at makapagpaliwanag ang mga pangunahing preso kaugnay ng natagpuang mass grave.

Naghain si Tolentino ng Senate Resolution No. 709 noong nagdaang linggo para siyasatin ang mass grave matapos madiskubre ang labi ng nawawalang presong si Michael Angelo Catoria na nakita sa loob ng septic tank sa maximum security compound ng NBP.

Batay sa talaan ng Bureau of Correction nitong Disyembre 2022, mahigit 673 na ang namatay sa loob ng NBP compound kung saan wala doon ang namatay dahil sa asphyxia, isa sa gunshot wounds, anim sa stab wounds, at tatlo naman dahil traumatic head injuries.

Nong Hulyo 26, isa namang preso, Alvin Barba, ang namatay matapos masaksak ng ice pick sa sa isang riot sa loob ng maximum security compound. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on