WebClick Tracer

Rep. Co tiniyak pagresolba sa mga isyu ng MUP pension

Tiniyak ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na hahanapan ng solusyon ng Kamara de Representantes ang mga isyu kaugnay ng pensyon ng Military and Uniformed Personnel (MUP) bago matapos ang taon.

Kasabay nito ay tiniyak ni Co na susuportahan nito ang layunin ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na agad maisabatas ang mga panukala na kailangan ng administrasyong Marcos upang mapaganda ang kalagayan ng bansa.

“As the Chairman of the House Committee on Appropriations, it is my utmost duty to work in collaboration with Speaker Romualdez and our esteemed colleagues to ensure that the priority bills gain the momentum they deserve. These bills hold the key to our nation’s progress and prosperity,” sabi ni Co.

Ang mga probisyon at panukala na may kinalaman sa paggastos ng pondo ng gobyerno ay dumaraan sa komite ni Co.

“I assure everyone that, before the end of 2023, we will find a viable solution to issues surrounding the MUP Pension that benefits everyone involved,” dagdag pa ni Co.

Bukod sa MUP bill, sinabi ni Co na bibigyang prayoridad ng Kamara ang pagpasa ng mga panukala na tinukoy ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“We are fully aware of the urgency of these bills and their direct impact on the lives of the Filipino people. These bills represent our commitment to protecting local farmers, promoting fair competition, empowering communities, and harnessing our resources sustainably. Their successful passage will drive our country’s progress towards a brighter and more prosperous future for all Filipinos,” dagdag pa ng mambabatas. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on