WebClick Tracer

Rendon kinalampag PSA sa mga nakitang National ID sa tumpok ng basura

Kinalampag ni Rendon Labador ang Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay sa mga umano’y nakitang National ID sa tumpok ng basura.

“GOOD NEWS!!! Pwede nyo na po I-CLAIM ang NATIONAL ID, nasa basurahan na po! PSA Philippine Identification System Ano ang ngyayari dito? Paki paliwanag nga!” sey ni Rendon.

Ibinahagi niya ang video kung saan makikita ang mga National ID na kasama sa mga basura.

Sey ni Rendon, dismayado siya rito dahil ang tagal niyang hinintay ang National ID.

“Kung sino man po ang namamahala ng aming National ID, magsalita naman po kayo. Ang sakit sa aming mga Pilipino na pinapila-pila n’yo kami, inabala n’yo kami, ni-require n’yo kaming kumuha ng National ID na sinabi n’yong importante tapos ngayon makikita namin na ganoon ang ginawa ninyo. Bakit ‘yan nasa basurahan?!” saad pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on