WebClick Tracer

Rambo Nuñez ‘almost perfect’ para kay Maja Salvador

Inilarawan ni Maja Salvador na “almost perfect” ang kanyang mister na si Rambo Nuñez.

Ani Maja, astig man ang pangalan ng kanyang asawa ay baby niya ito kapag may sakit.

Thankful daw si Maja dahil mahaba ang pasensiya ni Rambo.

“Noong 21 years old ako parang inintindi niya kung ano ‘yung mga kailangan kong unahin ‘yung ganun. So, nag-give way siya dahil kailangan kong mag-focus sa career, ganyan,” sey ni Maja sa vlog ni Bernadette Sembrano.

“Ngayong nagkabalikan kami, andoon ‘yung alam na niya sobrang workaholic pa rin ako, wala akong time pero siya ‘yung… nagmi-make time, siya ‘yung pupunta. ‘Pag sa relationship, pag gusto n’yo talagang mag-work, ang babae kasi maraming kaartehan minsan eh. Siya, thankful ako, kasi siya ‘yung ‘pag gusto gagawan niya ng paraan,” dagdag ni Maja.

Kaya nga raw nung nag-propose sa kanya si Rambo ay nag-yes agad si Maja. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on