WebClick Tracer

Poster ng movie ni Aljur tinawanan ng mga netizen

Tampulan ng panlilibak ngayon ang poster ng pelikulang “Sa Kamay ng Diyos” na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Elizabeth Oropesa.

Ang “Sa Kamay Ng Diyos” ay kuwento ni Pastor Jonard Pamor.

Tampok sa poster ang karakter ni Aljur na nakatingin sa itaas at nakataas ang mga kamay.

Napapalibutan siya ng tubig na may kasamang isda.

Sey nila, pang-“amateur” ang itsura ng poster.

“Parang mas maganda pa quality ng mga movie posters nung 80s lol.”

“Terey ng graphic artist! Master in MS Word! Hahaha.”

“Aljur the last air bender hahaha.”

“Ano to presentation sa english subject?

“Ang chaka ng poster. Hahaha.” (IS)

See Related Story:

Marami raw inggit! AJ ini-live harutan kay Aljur

TELETABLOID

Follow Abante News on