WebClick Tracer

Paolo Contis nagpakain sa ‘EB’ trademark renewal, binasag ni Rendon Labador

Binasag ni Rendon Labador ang selebrasyon ni Paolo Contis matapos ang matagumpay na pag-renew ng TAPE Inc. sa trademark ng “Eat Bulaga”.

Sa Instagram Stories ni TAPE chief financial officer Bullet Jalosjos, ibinida niya ang pa-catering ni Paolo para sa kanila.

“Thanks Paolo Contis,” ang sabi ni Jalosjos.

Nag-react dito si Rendon at binanatan si Paolo.

Aniya, unahin daw muna ni Paolo na pakainin ang mga anak niya bago ang iba.

“Anak mo muna pakainin mo bago ka manlibre sa iba,” sey ni Rendon.

“Yung nagmayabang ka pa sa tropa na nanlibre ka. Hindi nila alam na tinakasan mo ang sustento ng mga anak mo,” dagdag pa niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on