WebClick Tracer

Oktubre idineklara ni PBBM bilang Communications Month

PBBM

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang buwan ng Oktubre bilang Communications Month bilang pagkilala sa mahalagang papel ng komunikasyon at impormasyon sa nation-building.

Batay sa nilagdaang Proclamation No.308 ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong August 2, ang buwan ng Oktubre kada taon ay magiging Communications Month at tuwing October 11 ay magiging anibersaryo ng Philippine Communication Office (PCO).

Sinabi ng Pangulo na mahalaga ang papel ng komunikasyon sa mamamayan at media sa pagpapalakas ng kalidad ng talakayan ng publiko sa lahat ng usaping pang-gobyerno.

Layon aniya ng gobyerno na maibigay ang  totoo at mahalagang impormasyon sa publiko sa mga  polisiya, programa at mga proyekto ng gobyerno upang malaman at maliwanagan ang mga ito sa mga ginagawa ng pamahalaan.

“The administration aims to provide true, accurate and relevant information regarding  its policies, priority programs and projects to nurture a well-informed and enlightened citizenry through appropriate media,” anang Pangulo.

Sa pamamagitan ng proklamasyon ay pangungunahan ng PCO ang pagselebra ng Communications Month sa pamamagitan ng mga programa,proyekto at mga aktibidad para sa taunang selebrasyon.

Hinikayat din ng Presidente ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno; government-owned and controlled corporations; state universities and colleges; lahat ng local government units; non-government organizations at pribadong sektor na makilahok sa pagdiriwang sa Communications Month.

Ang PCO ay itinatag sa pamamagitan ng Executive Order no. 16 na ang pangunahing misyon ay magbalangkas, bumuo, pahusayin at paigtingin ang koordinasyon ng  messaging system sa  ehekutibo at sa Office of the President. (Aileen Taliping)

Gatchalian, JV Ejercito: Overseas trips ni PBBM may kapalit ng investment pledges

PBBM sa mga artista: Itaas kalidad ng pelikulang Pilipino

Posisyon ng Senado sa WPS nirerespeto ni PBBM – Zubiri

TELETABLOID

Follow Abante News on