WebClick Tracer

Myla Pablo bet gawing textmate ng mga rider

Mukhang stressed na si Myla Pablo dahil sa mga nabo-book niyang rider na ginagawa raw siyang textmate.

Sa tweet ng F2 Logistics star, sinabi nito na karamihan daw sa nagiging rider niya ay tine-text siya.

“Lahat nalang nang nasasakyan kong grab, joyride angkas ginagawa ako (textmate),” sey ni Pablo.


Kaya naman ang kanyang mga follower, nagpayo sa volleyball star.

Dapat daw ay i-block ni Myla kaagad ang mga kumokontak sa kanya at i-report ito agad dahil bawal ito.

“Hahaha ang hirap talaga pag ang problema pagiging maganda. Report them para matauhan.”

“Ireport mo po inappropriate post trip contact. Against yan sa guidelines nila.”

“Medyo kinilabutan ako dito, ingat po ang lahat palagi. make sure na may pagsesendan ng plate no. and mga pang self defense nadin like pepper spray.” (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on