WebClick Tracer

Mga senador pikon na sa pambu-bully ng China sa WPS

Inis na inis ang mga senador kasabay ng pagkondena sa panibagong pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS) kung saan binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang Philippine Coast Guard na nasa kanilang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“The Chinese Coast Guard has absolutely no right to block, let alone water cannon, our supply vessels. Wala silang karapatang gutumin ang mga Pilipino sa Ayungin Shoal,” pahayag ni Senadora Risa Hontiveros.

Ayon sa senadora, ang panibagong pangha-harass ay malinaw na paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 Arbitral ruling sa Permanent Court of Arbitration.

“I also hope our country can start joint patrols with other claimant countries in the SCS, such as Vietnam, Malaysia, Indonesia, and Brunei. Kailangan nating magtulungan para mapahinto ang agresibong mga aksyon ng Tsina,” sabi ni Hontiveros.

“Umaasa din ako na ang DFA ay sinisimulan na ang mga hakbang para ilapit sa iba’t ibang international fora ang walang katapusang panghihimasok ng Tsina. The recently adopted Senate resolution 718, with its precision and specific recommendations, is at their disposal,” sambit pa niya.

Ang panibagong pangha-harass ng China sa WPS ay nangyari ilang linggo matapos aprubahan ng Senado ang isang resolusyon na humihikayat sa pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na iakyat sa United Nations General Assembly ang ginagawang pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa nasabing teritoryo ng Pilipinas.

“We cannot let this slip. This is too much already! Nakakapikon na ang Tsina! Sobra na ang pambabastos ng Tsina sa ating Philippine Navy, Philippine Coast Guard, at mga mangingisda. Teritoryo, seguridad, at kapayapaan na ang nakataya rito,” galit na pahayag ni Seandor Joseph Victor Ejercito.

Kasabay nito, hinimok din ni Ejercito ang pamahalaan na pakinggan na resolusyon ng Senado tungkol sa agresyon ng China at gumawa ng agarang hakbang para maprotektahan ang territorial integrity ng bansa.

“These measures will require us to expedite the modernization of the Armed Forces of the Philippines and strengthen our defense cooperation program and pacts with our allies,” ani Ejercito.

For its part, the Senate sees the urgency of the situation and is working hard to support these efforts through legislation that will enable us to effectively boost our defense posture in the region. Nagkakaiba man sa pulitika, iisa ang aming panawagan: Ang atin ay atin! Atin ang West Philippine Sea!” dagdag niya.

Maging si Senate President Juan Miguel Zubiri ay nabubuwisit na sa patuloy na pangha-harass ng China sa WPS.

“This is yet again a manifestation of its “might vs. right” treatment of its peaceful neighbors. By its actions, it shows diplomatic duplicity, of preaching about amity, but practicing hostile behavior,” ani Zubiri.

“Gusto naming makipagkaibigan, pero bakit China ang hirap mong mahalin? This incident reaffirms the merit of the resolution the Senate has unanimously passed. Because China contemptuously ignores protests, all the more that we have to rally the world to condemn acts which have no place in a civilized order,” dagdag pa niya.

Sabi naman ni Senate Majority leader Joel Villanueva, dapat matigil na ang ginagawang pambu-bully ng China sa ating teritoryo.

“This kind of bullying must stop! We need to have a strong stance against the continuous harassment of the Chinese Coast Guard on our Philippine Coast Guard – in our very own territory!” ani Villanueva.

“We urge the Department of Foreign Affairs to implement the courses of action stipulated in the resolution passed by the Senate to finally put an end into this harassment and bullying by China,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on