WebClick Tracer

Mga Dabarkads kinabahan! Eruption nanggulat sa ‘E.A.T’

Ang dating ‘It’s Showtime’ host na si Eric Tai o kilala bilang ‘Eruption’ ay nakasama sa kulitan ng mga Dabarkads sa ‘E.A.T’.

Naging judge si Eruption sa ‘E.A.T’ segment na Vortas V kasama sina Ria Atayde, Mikee Reyes at Paolo Ballesteros.

Habang nagpapakilala ay nagsabi ng ‘What’s up’ si Eric, kaya naman biglang natawa ang mga host.

Ang ‘What’s up, madlang pipol’ kasi ang trademark ng kalabang noontime show na ‘It’s Showtime’, kaya kinabahan ang ilan na ‘yon ang sasabihin ni Eruption.

Ngunit mukhang na-prank lang sila ng kilalang celebrity dahil ‘Dabarkads’ ang kanyang sinabi at hindi ‘madlang pipol’.

Si Paolo, napasabi ng ‘bwisit’ dahil sa pakulo ni Eruption. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on