WebClick Tracer

Melai pinagtanggol anak na tinawag siyang ‘unggoy’

Pinakiusapan ni Melai Cantiveros-Francisco ang mga netizen na nangba-bash sa kanyang anak dahil tinawag siya nitong ‘mukhang unggoy’.

Sa latest Instagram post ni Melai, tinanong niya ang kanyang anak na si Mela kung mini-mean ba nito ang mga nasabi tungkol sa kanyang itsura.

“Ate Mela do you mean it to say that your mama is a monkey,” tanong ni Melai sa kanyang panganay.

“Hindi mama, I love you naman. Prank lang ‘yun, joke joke lang ‘yun,” tugon naman ni Melai.

Lahad naman ni Melai, ganun lang talaga silang pamilya na mahilig magkulitan.

“Ganun talaga ang happiness, ang kulitan naming family… ‘yung mga batang ‘yan, ‘yan talaga ang pinakamabait,” saad ni Melai.

“Huwag na kayong over mag-react because alam niyo, minsan i-enjoy niyo dapat ang life. Huwag ‘yung konting kibot, nagre-react kayo,” wika pa.

Ito’y kasunod ng video ni Melai kung saan maririnig si Mela na tinawag na mukhang unggoy ang kanyang ina.

“Nagbibili pa rin si mama ng mga beauty products pero mukha pa rin siyang unggoy,” hirit ni Mela sa kanyang mommy. (RP)

See related stories:

Paghataw ni Melai Cantiveros, Stela pinusuan ng netizens

Melai Cantiveros nag-shopping sa Divisoria

Melai Cantiveros, Jason Francisco sobrang sweet sa Korea

TELETABLOID

Follow Abante News on