WebClick Tracer

May na-KO pa! Baseball game nauwi sa suntukan

Nagmistulang boxing match ang naging laban sa pagitan ng Chicago White Sox at Cleveland Guardians sa Major League Baseball (MLB).

Nagkagirian sina White Sox shortstop Tim Anderson at Guardians third baseman Jose Ramirez sa kanilang pagtatapat nitong Sabado (oras sa Amerika).

Noong una ay nag-aambahan lang ang dalawa matapos na mag-slide si Ramirez sa paanan ni Anderson.

TIla nainis si Anderson nang ituro pa ni Ramirez ang kanyang ulo.

Unang sumuntok si Anderson, ngunit si Ramirez ang nakakonekta ng suntok sa mukha ng kalaban dahilan para mapabagsak niya ito.

Sa panayam kay Ramirez, sinabi niya na dinepensahan niya lang ang kanyang sarili.

“He said he wanted to fight, and if he wanted to fight, I had to defend myself,” wika ni Ramirez.

Parehong na-eject ang dalawa, wala pang pahayag ang MLB hinggil sa posibleng parusa kina Ramirez at Anderson. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on