WebClick Tracer

Markus, Janella naging mas madalas ang pag-aaway

Inamin ni Markus Paterson na naging madalas ang pag-aaway nila ni Janella Salvador kaya nagdesisyon silang maghiwalay.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, napag-usapan ang tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Janella.

Panay kasi ang papuri ni Markus kay Janella pagdating sa pagiging nanay sa anak nilang si Jude kaya napatanong si Ogie kung bakit sila nauwi sa hiwalayan.

“I couldn’t ask for a better mother of my child… To put it simply, it wasn’t perfect. Actually perfect nung nasa UK pa kami. Pero nung bumalik na kami dito sa Pilipinas, kasi COVID nung time na ‘yun ‘di ba? Sobrang delikado eh kailangan na naming mag-work. A lot of realities set-in. Kailangan pala ng ganito, ang hirap. Kailangan pala ng yaya, hindi pa tayo nakahanap ng yaya. Ang daming naging problem na it got to a point na we weren’t talking anymore,” ani Markus.

“The fights became more frequent… ‘Til we just decided not to pursue this anymore cause it just wasn’t helping. And we don’t wanna raise Jude in a household na palaging nag-aaway. So we decided to take a break, and see how we feel and dun lang naging perfect ‘yung set-up eh. We started of as really good friends, and that’s where we’re at again now,” dagdag pa ng aktor.

Sa ngayon ay maganda raw ang samahan nila sa co-parenting kay Jude. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on