WebClick Tracer

Lady solon sa panibagong pangha-harass ng China: ‘Ano bang tingin nila sa atin uto-uto?’

biolaboratory

Kinondena ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang napaulat na panibagong pangha-harass ng barko ng China sa barko ng Philippine Coast Guard na magdadala ng suplay sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Castro habang nag-aalok ang China ng joint military exercises sa Pilipinas hindi naman ito tumitigil sa pangha-harass sa mga barko ng bansa.

“Patuloy ang ganitong harassment at pag-atake sa mga Pilipino lalo na ang ating mga mangingisda, tapos may gana pa ang China na mag-alok daw ng joint military exercises pero ganito naman ang kanilang ginagawa. Ano bang tingin nila sa atin uto-uto at susunod na lang sa gusto nila tulad ni (dating Pangulong Rodrigo) Duterte?” sabi ni Castro.

Iginiit ni Castro na dapat dalhin na ng Pilipinas ang usapin sa United Nations General Assembly.

“Dapat na talagang ilatag ng Pilipinas sa United Nations General Assembly ang tahasang paglabag ng China sa desisyon sa UNCLOS at arbitral award, para ma-pressure na ang Tsina na tigilan ang kanyang ginagawa,” dagdag pa ni Castro.

Ayon sa ulat, ginamitan umano ng water cannon ng barko ng China ang barko ng PCG na pupunta sa Ayungin Shoal para magdala ng suplay noong Agosto 5. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on