WebClick Tracer

Kakulangan ng social worker masosolusyunan ng scholarship – solon

Itinulak sa Kamara de Representantes ang panukalang pagbibigay ng social work scholarship upang mapunan ang mga kakulangan ng social worker sa bansa.

Inihain ni Laguna Rep. Ruth Mariano-Hernandez ang House Bill 6910 upang mabigyan ng social work scholarship program (SWSP) ang mga piling estudyante.

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mayroong 6,796 rehistradong social worker sa buong bansa hanggang noong Hulyo 31, 2022.

Ayon naman sa Civil Service Commission (CSC) mayroong 9,541 social welfare position sa gobyerno.

“Of this number, there are 2,010 positions that have yet to be filled as of June 30, 2022,” sabi ng lady solon.

Kasama sa mga bakanteng posisyon ang Social Welfare Officer, Social Worker, Social Welfare and Development Officer, Provincial/City/Municipal Social Welfare Officer; Social Welfare Assistant, and Social Welfare Aide.

“House Bill 6910 conceives the SWSP program as a long-term effort to ensure the stability of the DSWD programs and all current and future social welfare and development entities in the country,” sabi ni Mariano-Hernandez. “The SWSP program opens up opportunities for students to engage in a fulfilling and purposeful profession, which would enable them to confront social and other socio-economic issues and thereby impact the lives of people.”

Sa ilalim ng SWSP, ang makukuhang scholar ay bibigyan ng pang matrikula at iba pang bayarin sa eskuwelahan, allowance para sa libro at school supply, uniporme, dormitoryo o boarding house, pamasahe, on the job training fees, at iba pang bayarin. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on