WebClick Tracer

Kahit may sariling kotse: Herlene Budol sinisi transport strike kaya late sa taping

Inamin ni Herlene Budol na naging cause of delay siya sa taping ng kanyang pinagbibidahang TV series.

Sa panayam nina Kuya Kim Atienza at Susan Enriquez kay Herlene, naisalang siya sa lie detector test kung saan sinagot niya ang intriga na na-late daw siya sa taping.

Hindi naman ito tinanggi ng aktres, klinaro na kaya daw siya na-late ay dahil sa transport strike sa kanilang lugar.

“May explanation naman po diyan. Isang beses lang po akong na-late dahil po roon sa strike sa amin sa Angono, Rizal,” lahad ni Herlene.

Ngunit paano ito nangyari gayong hindi naman siya nagko-commute papuntang taping?

Sey ni Herlene, sa kanila daw kasi pinarada ang mga jeep na nag-strike kaya hindi makalabas ang kanilang sasakyan.

“May sasakyan naman po ako pero ‘yung mga nakaparada po kasing mga jeep na nagprotesta, sa amin po pinarada, so wala po akong malabasan noon,” ayon sa aktres.

Hindi naman na daw siya na-late ulit dahil ayaw niyang maging unprofessional. (RP)

See related stories:

Cristy Fermin kay Herlene Budol: ‘Nalunod sa isang kutsaritang tubig’

Wilbert binunyag dahilan ng pagbitiw bilang manager ni Herlene Budol

Anyare? Wilbert babu na bilang manager ni Herlene

TELETABLOID

Follow Abante News on