WebClick Tracer

Jordan Clarkson batak para sa Gilas

Kahit hindi nakasama sa China trip si Jordan Clarkson ay nagpapakondisyon naman ito sa kanyang pagsalang sa 2023 FIBA World Cup.

Ayon kay Philippine national team head coach Chot Reyes, maganda ang kondisyon ni Clarkson kahit pa offseason ng NBA.

“He has assured me that he’s in pretty good shape. He’s been working out, he’s working on his skills so I think the number one thing that I can expect is that he’s in shape,” wika ni Chot sa ‘Power & Play’ podcast.

Si Clarkson ang magrerepresenta sa Pilipinas para sa World Cup, inungusan ang ibang naturalized player tulad nina Justin Brownlee at Ange Kouame.

Lahad ni Chot, nakatakdang dumating sa Pilipinas si Clarkson sa August 9 para makapag-ensayo na sa koponan. (RP)

Clarkson discounted nakuha ng Gilas

Clarkson proud sa solid na laro ni Kai Sotto sa NBA Summer League

Jordan Clarkson dehins iiwan ang Jazz

TELETABLOID

Follow Abante News on