WebClick Tracer

Ion tahimik sa hamon ni Rendon

Wala pang tugon si Ion Perez sa hamon na suntukan ng social media personality na si Rendon Labador.

Hanggang ngayong Linggo, August 6 ay wala pang pahayag ang partner ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa patutsada ni Rendon noong Biyernes.

Saad ni Rendon, “Ayaw ko na sanang patulan kasi nonsense na, sinita ko lang kayo dahil duty ko ang magtama ng mga nakikita kong mali. Wala naman akong pakialam sa kahayupan ninyong dalawa, pinoprotektahan ko lang ang mga batang nanunuod.

“Pero kung ako pinaparinggan mo sa ig story mo at matapang ka talaga… Oo gusto kita! Gusto kong basagin yang pagmumukha mong hayup ka! Suntukan tayo! G?!”

Ito’y matapos ang cryptic post ni Ion sa kanyang IG Stories noong August 3 na tila patama kay Rendon matapos siyang tawaging “palamunin” at “sa bakla kumapit”.

Ani Ion, “Ilabas ang resibo. Gusto ako niyan kaya siya ganyan.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on