WebClick Tracer

Fiancée ni Robi Domingo tinamaan ng bihirang inflammatory disease

Na-diagnose na may rare inflammatory disease ang soon-to-be-wifey ni Robi Domingo.

Sa isang Instagram post, ikinuwento ni Maiqui Pineda kung ano ang mga naranasan niya sa nasabing sakit.

“I have a rare autoimmune disease called Dermatomyositis that causes muscle weakness, inflammation and a skin rash,” ani Maiqui.

Nagsimula na raw siyang magpagamot pero malayo pa ang tatahakin niya patungo sa kanyang paggaling.

“I already started treatment but the journey to recovery is far from over. There are good days but there are still bad days. I am hopeful that this is just temporary and I will work on getting better one day at a time.”

Sa post naman ni Robi ay sinabi niya sa fiancée na kahit anong mangyari, na ito pa rin ang pipiliin niyang makasama.

“What an emotional day. This moment has given me a deeper appreciation of what it is to be a KAPAMILYA. I just couldn’t stop thinking about my fiancé and her condition while signing this contract. There has been that tug-of-war of feelings so maybe that’s why the flood gates just kept pouring.

“Maiqs, whatever happens, I choose you. Can’t wait to sign our contract.”

Ayon sa Mayo Clinic, ang Dermatomyositis ay hindi pangkaraniwang inflammatory disease na ilan sa sintomas ay panghihina ng kalamnan at pantal sa balat.

Wala raw itong lunas ngunit makatutulong ang paggamot upang alisin ang pantal sa balat at mabawi ang lakas ng kalamnan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on