WebClick Tracer

Daga bumulaga sa pakete ng toyo?

Viral ang Facebook post ng isang netizen kung saan may nakita diumanong daga sa loob ng pakete ng nabili nilang toyo.

Ayon kay Rosby Gamboa Styles, noong Agosto 2 nag-adobo sila gamit ang toyo na nasa larawan.

Sa naturang araw ay nagsimula raw silang lahat sa bahay na lagnatin.

Nadiskubre lamang umano nila ang daga na nakababad sa toyo sa loob ng pakete matapos na nila itong magamit sa lutuin. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on