WebClick Tracer

Cong TV na-shock! Viy Cortez hinangaan sa bangis magmotorsiklo

Trending ang reaksiyon ni Cong TV matapos malaman na nakipagsabayan sa kanya sa karera ng motorsiklo si Viy Cortez.

Ipinakita niya ang bago niyang skill bilang “lady rider” sa kanyang latest vlog, na habang sinusulat ito ay No. 1 sa YouTube na may 1.2 million views.

Nag-aral muna si Viy na magmaneho ng big bike bago sinabayan sa race track ang walang kaalam-alam na si Cong TV.

Namili rin si Viy ng mga motorcycle gear at sarili niyang big bike.

Natawa naman ang mga netizen sa reaksiyon ni Cong TV na napamura matapos malaman na kasabayan niya si Viy sa track.

Hinangaan si Viy dahil sa pag-aaral nitong magmotorsiklo para kay Cong TV, na isang motorcycle enthusiast.

@CjSotelo1: “Grabe Viy Cortez! Now this is why I’m telling everyone na if you love someone, you’ll make an effort to learn about the other person’s likes, hobbies, interests, etc etc.”

@_meann45: “Saan aabot ang pag mamahal ng isang Viy Cortez Kay Cong TV.”

@DanycaBron10: “Grabe Viy Cortez, the things you do for love jod.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on