WebClick Tracer

China binomba ng tubig barko ng ‘Pinas

Binombahan ng water cannon ang mga vessel ng Philippine Coast Guard (PCG) ng mga barko na nagmula sa China nitong Sabado.

Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea, CG Commodore Jay Tarriela, nag-escort ang PH Coast Guard ng mga bangka mula sa Armed Forces of the Philippines patungong Ayungin Shoal sa Spratly Islands.

Doon umano sila hinarang at tinutukan ng water cannon ng mga vessel ng China Coast Guard (CCG).

“Such actions by the CCG not only disregarded the safety of the PCG crew and the supply boats but also violated international law, including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), the 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), and the 2016 Arbitral Award,” saad ng PCG.

Ang mga barko na sinamahan ng PCG ay magde-deliver lang ng pagkain, tubig, fuel at iba pang supply para sa mga military troop na nakabase sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Nanawagan ang PCG sa China Coast Guard na respetuhin ang sovereign rights ng Pilipinas sa loob ng exclusive economic zone ng bansa. (RP)

See related stories:

Cayetano sa label na ‘pro-China’: Madaling makipagsigawan pero kawawa ang mga mangingisda, Coast Guard

Bilateral talks sa China tapusin na – Zubiri

TELETABLOID

Follow Abante News on