WebClick Tracer

Bebot patay matapos uminom ng kalahating galon na tubig

Isang babae ang pumanaw matapos uminom ng sobrang tubig sa loob ng 20 minuto.

Ikinuwento ni Devon Miller, kapatid ng biktima, sa Good Morning America ang insidente, kung saan uminom daw ang kapatid niya ng apat na 16-ounce bottle ng tubig.

“That’s half a gallon. That’s what you’re supposed to drink in a whole day,” ani Miller.

Nakaramdam daw ito ng pagkahilo at sakit ng ulo, at kalaunan ay nahimatay sa kanilang garahe at hindi na nagising.

Kinilala sa ulat ng ABC News ang biktimang si Ashley Summers, 35, may dalawang anak.

Nagsimula umanong uminom ng napakaraming tubig si Summers pagkatapos makaramdam ng labis na pagkauhaw sa selebrasyon ng Fourth of July kasama ang kanyang asawa at dalawang anak sa Lake Freeman sa Indiana.

Ayon daw sa mga doktor, namatay si Summers dahil sa “water intoxication”.

Ang “water intoxication” ay isang bihira ngunit mapanganib na kondisyon na resulta ng mabilis na pag-inom ng maraming tubig, na nakakasira sa balanse ng electrolyte sa katawan, ayon sa National Institutes of Health. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on