WebClick Tracer

BBM, Pacquiao nagsama sa ‘Konsyerto sa Palasyo’

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang panonood sa Konsyerto sa Palasyo II na alay sa mga atletang Pilipino nitong Linggo ng gabi sa Malacañang Grounds.

Ang konsiyerto ay alay ng Pangulo sa mga atletang Pilipino na nagpakita ng kanilang dedikasyon, pagmamahal sa bansa at nagbigay ng karangalan sa Pilipinas para makilala sa buong mundo.

Kabilang sa mga nanood sa konsiyerto ay sina Congressman Sandro Marcos, dating Senador Manny Pacquiao na umakyat sa entablado at kumanta ng ilang bahagi ng kanyang kantang “Para Sa’Yo ang Laban Na ‘To” na pinalakpakan ng mga atleta.

Nanood din sina Congressman Richard Gomez, Executive Secretary Lucas Bersamin, Tourism Secretary Cristina Frasco, Transportation Secretary Jaime Bautista, DTI Secretary Alfredo Pascual at Department of Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy.

Ipinamalas sa konsiyerto ang iba’t ibang talento ng local artists, beatboxers at mga mananayaw na pang-world class ang dating. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on