WebClick Tracer

Baby na iniluwal sa gumuhong bahay, 6 buwan na

Anim na buwang gulang na ang isang sanggol na ipinanganak sa loob ng gumuhong bahay matapos ang lindol sa Syria noong Pebrero.

Nang matagpuan si Afraa sa mga guho ng gumuhong bahay sa Jinderis ay nakakabit pa ang pusod niya sa kanyang ina, na namatay umano pagkatapos manganak.

Si Baby Afraa ang tanging nakaligtas sa lindol, kung saan namatay ang kanyang mga magulang at apat na kapatid.

Pagkaraan ng ilang araw sa ospital ay ini-release na si Afraa at ibinigay sa kanyang tiyahin.

Inampon siya at pinalaki ng kanyang tiyahin at asawa nito kasama ang pitong anak.

Matapos siyang ampunin ay isinunod ang pangalan niya sa kanyang namayapang inang si Afraa.

Noong Pebrero 6 yumanig ang magnitude 7.8 na lindol sa south-eastern Turkey at northern Syria na sinundan ng maraming aftershocks. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on