WebClick Tracer

Akbayan nanggigil sa ‘pagkanyon’ ng China sa barko ng ‘Pinas

Mariing kinondena ng Akbayan ang pagtutok ng water cannon ng China Coast Guard sa mga vessel ng Philippine Coast Guard na patungo sa Ayungin Shoal.

Ayon sa political party ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, ang pagha-harass ng China sa mga Pinoy na pumapasok sa West Philippine Sea ay malinaw na paglabag sa arbitral ruling noong 2016.

“We in Akbayan Party condemn this attack — one of already so many in the past — against Filipinos in the West Philippine Sea. Clearly, China is once again in violation of the 2016 Arbitral award, as well as several international laws,” ayon kay Akbayan president Rafaela David.

“Harassment sa isang banda, imbitasyon naman para sa joint military exercises sa kabila. Para bang nakikipagkamay tayo sa China, pero ginagamit naman nila ang isa pa nilang kamay para sampalin tayo. The Philippine government needs to wake up and take action,” dagdag pa niya.

Lahad pa ng Akbyana, dapat na umaksyon na ang gobyerno para maipagtanggol ang teritoryo sa WPS.

“‘Friend to all’ pa rin ba ang polisiya kahit malinaw na hina-harass na tayo? Gawain ba ng kaibigan ang ginagawa ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea?” giit pa ni David.

“The government must file a resolution to strengthen The Hague ruling in favor of the Philippines in the United Nations General Assembly and reject China’s invitation for joint military exercises. Ipakita natin sa buong mundo na hindi duwag at hindi nagpapalinlang ang mga Pilipino,” lahad pa niya.

Ang vessel ng PCG na hinarass ng China Coast Guard ay nag-escort ng bangka ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Magde-deliver lang ang mga ito ng supplies sa mga militar na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on