WebClick Tracer

18K Pinoy nurse gusto magtrabaho sa Amerika

Umabot sa 18,104 Filipino nurse ang nagparehistro para makakuha ng US licensure examination sa unang pagkakataon mula Enero hanggang Hunyo 2023.

At sa halagang $200 o kada isa o P11,000 (P55:$1) umaabot ang kanilang ibinayad sa halos P200 milyon, ayon kay House Committee on Higher and Technical Education vice chairperson at Quezon City Rep. Marvin Rillo.

“The number is 123% higher compared to the 8,128 Philippine-educated nurses that took the NCLEX for the first time (without counting repeaters) in the same six-month period in 2022, in a bid to practice their profession in America,” sabi ni Rillo.

Kailangang pumasa sa National Council Licensure Examination (NCLEX) upang maging nurse sa Amerika. Ang pagsusulit ay pinangangasiwaan ng US-National Council of State Boards of Nursing (NCSBN).

“Our best estimate is that 46 percent of Philippine nursing graduates pass the NCLEX on their first take,” sabi ni Rillo.

Muling binuhay ni Rillo ang panawagan nito sa Kongreso na itaas ang sahod ng mga nurse sa pampublikong ospital upang magdalawang-isip na umalis ang mga nurse sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 5276, ang magiging starting monthly salary ng mga nurse sa mga pasilidad ng gobyerno ay P63,997.

Sa Senado, inihain ni Sen. Sonny Angara ang panukala na nagtataas sa entry-level monthly salary ng mga nurse sa P51,357.

Sa kasalukuyan ang buwanang sahod ng bagong pasok na nurse sa gobyerno ay P36,619.

Nauna ng sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na nasa 4,500 permanenteng posisyon ng nurse sa may 70 ospital na pinatatakbo ng Department of Health ang bakante. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on