WebClick Tracer

Tito Sotto pumalag sa pag-renew ng TAPE sa ‘EB’ trademark: ‘Basta amin ang copyright!’

Nanindigan si dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na ang TVJ ang tunay na nagmamay-ari ng pangalang ‘Eat Bulaga’.

Ito’y sa kabila ng nakuhang certificate of renewal ng TAPE, Inc. ng pamilya Jalosjos para sa trademark ng ‘EB’.

Ayon kay Sotto sa mensaheng ipinadala sa Abante, ang copyright ng ‘Eat Bulaga’ ay nasa kanila at wala sa TAPE.

“Trademark but not COPYRIGHT. Copyright ang amin,” giit ni Sotto.

“Magsawa sila sa trademark basta amin ang copyright!” lahad pa niya.

Nai-renew ng TAPE ang ‘Eat Bulaga’ trademark sa Intellectual Property of the Philippines na tatagal hanggang 2033.

Samantala, ang nilalaban ng TVJ ay si Joey de Leon ang nakaisip ng titulo ng programa buhat noong umere ito taong 1979.

Dinidinig sa korte ang kasong copyright infringement at unfair competition na isinampa ng TVJ at creative head Jenny Ferre laban sa TAPE. (RP)

See Related Story Here:

TAPE nasungkit 10 taong renewal ng ‘Eat Bulaga’ trademark

TELETABLOID

Follow Abante News on