WebClick Tracer

TAPE nasungkit 10 taong renewal ng ‘Eat Bulaga’ trademark

Mananatili sa TAPE Inc. ang trademark ng pangalang ‘Eat Bulaga’ sa susunod pang 10 taon.

Batay ito sa inilabas na certificate of renewal of registration ng Intellectual Property Office of the Philippines.

Sa naturang dokumento na pirmado ni Bureau of Trademarks director Jesus Antonio Ros, sa TAPE ng pamilya Jalosjos mananatili ang trademark ng ‘Eat Bulaga’ hanggang June 14 2033.

Kinumpirma naman ito ng lawyer ng TAPE na si Maggie Abraham-Garduque.

Ayon sa abogado ng TAPE, nakuha nila ang certificate of renewal para sa ‘Eat Bulaga’ noong August 4.

“This renewal is a testament that TAPE was and remains the registered owner of the trademark ‘Eat Bulaga’,” lahad ng abogada.

Ang pangalang ‘Eat Bulaga’ ay mahigpit na pinagtatalunan ng TAPE at kampo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Nagsampa ng copyright infringement ang TVJ laban sa TAPE para sa naturang pangalan ng noontime show, kung saan si Joey ang nakaisip nang simulang inere ang programa noong 1979. (RP)

See Related Story Here:

Bagong theme song ng TAPE sa Eat Bulaga inokray: ‘Parang campaign jingle’

TELETABLOID

Follow Abante News on