WebClick Tracer

Rendon Labador abangers kay Ion Perez: ‘Antayin ko sagot mo’

Hindi na makapaghintay si Rendon Labador na marinig ang sagot ni Ion Perez tungkol sa hamon niyang suntukan. Sa Instagram story ni Rendon, muli itong humirit.

“Antayin ko sagot mo”

Kamakailan lang ay hinamon ng suntukan ni Rendon si Ion.

“Ayaw ko na sanang patulan kasi nonsense na, sinita ko lang kayo dahil duty ko ang mag tama ng mga nakikita kong mali. Wala naman akong paki alam sa kahayupan ninyong dalawa, pinoprotektahan ko lang ang mga batang nanunuod.”

“Pero kung ako pinaparinggan mo sa ig story mo at matapang ka talaga… Oo gusto kita! Gusto kong basagin yang pag mumuka mong hayup ka! Suntukan tayo! G?!” dagdag pa nito.

Bago pa man ang ayang suntukan ni Rendon, patuloy na ang pagbanat niya kay Ion at Vice Ganda.

(CS)

See Related Story Here:

Cristy hindi papatulan si Rendon: ‘Mapapagod ka lang’

TELETABLOID

Follow Abante News on