WebClick Tracer

Racist daw? Jose Manalo dinikdik sa joke kay Zombie

Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang naging biro ni Jose Manalo kay Tugue Zombie sa ‘E.A.T’.

Pinag-usapan sa social media ang naging hirit ni Jose kay Zombie, kung saan tila nag-joke ang host tungkol sa kulay ng Nigerian na nakatira na sa ‘Pinas.

“Ito, ‘pag napalanunan mo sa Bingo ‘to, ‘yan ang tinatawag na ‘blackout,'” sey ni Jose.

Dahil dito’y pinuna ng mga netizen si Jose sa pagbibiro at sinabihan pang racist umano ang naging biro ng komedyante kay Zombie.

Napansin din ng mga netizen na biglang napasimangot sina Miles Ocampo at Paolo Ballesteros sa sinabi ni Jose.

Inudyukan pa ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pinamumunuan ni Lala Sotto na sampolan din ang ‘E.A.T’ katulad ng ginawa sa ‘It’s Showtime’.

Heto ang ilang tweet tungkol sa naging hirit ni Jose:

“Mama pao’s reaction to this. He doesn’t approved. I admire Jose but this is out of the line. Hello naman MTRCB?”

“Hindi natuwa si Paolo sa ” joke” ni Jose so dapat wala talaga dapat bias ang mtrcb.”

“And y’all still keep this kind of people on TV. Racists. Disgusting.”

“Jose Manalo should apologize. Kahit natawa pa diyan si Zombie.” (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on