WebClick Tracer

Pinahiya daw mga Pinoy! Content creator inabuso free taste sa Taiwan

Nanggigil ang mga netizen sa content creator na si Bogart TV dahil sa tila pag-abuso nito sa mga nagpapa-free taste sa Taiwan.

Sa Facebook video ni Bogart, makikita ang pagkuha niya ng mga pagkain ng paulit-ulit sa iba’t ibang stall.

May isang vendor pa ang tila nainis at iniwas ang kanyang pinapatikim sa Pinoy na content creator.

Dahil dito’y ilang mga netizen ang sinabing pinahiya umano ni Bogart TV ang kanilang lahi.

Heto ang ilan sa kanilang komento:

“Grabe naman nakakahiya ugali mga to.”

“Hindi nakakatuwa par. Isipin mo din kapakanan ng kababayan nating nandyan. Hindi malabong isipin nila na ganyan lahat ng Pinoy.”

“Kunting hiya naman par pinapahiya mo Pinas niyan.”

“Buraot na tawag diyan at katakawan.”

Tila hindi naman naapektuhan si Bogart na hindi in-address ang mga patama sa kanya ng mga netizen. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on