WebClick Tracer

Pia ayaw pa magka-baby

Wala pa munang balak si Pia Wurtzbach na magkaroon sila ng anak ni Jeremy Jauncey.

Sa panayam ni entrepreneur na si Anas Bukhash, naitanong niya kay Pia kung gusto ba niting magkaanak.

Natuwa naman si Pia sa tanong dahil marami daw na kumukulit sa kanya kung kailan daw siya magkaka-baby.

Sey ni Pia, gusto niya magkaroon ng anak ngunit hindi pa sa ngayon.

“I do want to have children one day. Not now! Not at this point in my career and in my life. And Jeremy is also fine with that, but in the future, we would love to have a family,” sey ni Pia.

Dagdag pa niya, may mga ibang babae naman na hindi priority ang pagkakaroon ng anak, at hindi ito dapat maging batayan para matimbang ang worth ng kababaihan.

Aniya, may mga pinipili na alagaan ang kanilang mga magulang o kaya’y mag-focus sa social work.

“Some women do not want to have kids, some women want to be amazing at their careers,” lahad ni Pia. (RP)

See Related Story Here:

Pia Wurtzbach feeling Barbie, patok sa netizens

TELETABLOID

Follow Abante News on