WebClick Tracer

Oliver Almadro lipat sa Letran

Matapos ang kanyang stint sa Ateneo, susubukan naman ni Oliver Almadro na iangat ang Letran.

Kinumpirma ni Letran athletics director Rev. Fr. Vic Calvo ang pagkuha nila kay Almadro para sa kanilang women’s volleyball team.

Papalitan ni Almaro si Mike Inoferio.

“I am happy to have one of the top minds in Philippine volleyball handling the Letran volleyball program, with a primary focus on women’s volleyball,” ayon kay Fr. Calvo.

Ilang taon in na nagsilbi sa Ateneo si Almadro bago siya mapalitan ni Brazilian tactician Sergio Veloso.

Si Almadro ay nag-aral sa Letran, kung saan naglaro siya para sa men’s volleyball team ng naturang unibersidad. (RP)

See Related Story Here:

Oliver Almadro focus na sa Ateneo

TELETABLOID

Follow Abante News on