WebClick Tracer

NCR kampeon muli sa Palarong Pambansa

Muling dinomina ng National Capital Region (NCR) ang Palarong Pambansa matapos makuha ang overall title nitong Sabado.

Sa kabuuan, 85 gold, 74 silver at 55 bronze ang sinungkit ng mga atleta mula NCR.

Ito na ang ika-16 sunod na kampeonato ng NCR sa naturang regional meet.

Samantala pumangalawa naman ang Western Visayas na may 60 gold, 45 silver at 44 bronze, habang third ang Calabarzon.

Isa sa naging pambato ng NCR ay si Eldrew Yulo, ang nakababatang kapatid ni world champion Carlos Yulo.

Humakot ng medalya si Eldrew sa bawat event ng gymnastics. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on