WebClick Tracer

Luka Doncic nadali ang tuhod sa exhibition game

Hindi na natapos pa ni Luka Doncic ang exhibition game laban sa Greece matapos madali ang kaniyang tuhod.

Sa second quarter ng laro, natamaan ng tuhod ni Doncic ang isa pang tuhod ng kalaban dahilan upang ito ay hindi tumuloy pa sa nasabing laro. Habang nilalabanan ni Doncic ang screen, natamaan niya ang tuhod ng manlalaro ng Greece.

Ngunit kahit hindi na nakabalik pa sa laro, “no concerns” naman umano ang nasabing injury.

“No concerns,” source tells ESPN after Luka Doncic banged knees during Slovenia’s exhibition loss to Greece today. Doncic exited early as a precaution.” ayon kay Tim MacMahon ng ESPN.

Si Doncic at ang Team Slovenia ay naghahanda para sa paparating na 2023 FIBA World Cup. (CS)

See Related Story Here:

Luka Doncic engaged na sa longtime girlfriend

TELETABLOID

Follow Abante News on