WebClick Tracer

Gilas ayaw labanan ng mga top European team – Chot Reyes

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa papalapit na 2023 FIBA World Cup.

Sa For Love podcast, sinagot ni Gilas head coach Chot Reyes ang puna ng ilang fan tungkol sa kanilang nilalabanan sa mga tune up game.

Sa kanilang pagsabak sa China, Senegal at Team B ng Iran ang kinalaban ng Gilas.

Pinaliwanag ni Chot na nais sana nilang malabanan ang malalakas sa Europa, ngunit ayaw daw silang maka-tune up ng mga ito.

“We would have wanted to play against the other teams, we would have wanted to play the top teams in Europe now, but the reality is, it was hard to get the top-quality European teams because they don’t want to play against us,” lahad ni Reyes.

Sa World Cup, haharapin ng Gilas ang Italy, Dominican Republic at Angola. (RP)

See Related Story Here:

Leni Robredo nagpakitang-gilas sa lato-lato

TELETABLOID

Follow Abante News on