WebClick Tracer

Frank Ntilikina sasamahan si Ball sa Hornets

Nakasungkit ng isa pang point guard ang Charlotte Hornets at ito ay si Frank Ntilikina. Ang bagitong point guard ay pumirma ng isang taong kontrata sa nasabing koponan.

“Free agent guard Frank Ntilikina has agreed on a one-year deal with the Charlotte Hornets,” ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Si Ntilikina ay naglaro ng 47 na laro para sa Dallas Mavericks noong nakaraang season. May average lang ito na 2.9 puntos, 1.3 rebounds, 1.2 assists, 0.3 steals at 0.1 blocks.

Sasamahan ni Ntilikina sa Hornets ang isa pang point guard na si LaMelo Ball, na kamakailan lang ay pumirma ng kontrata na tatagal ng limang taon at nagkakahalaga ng $260 milyon.

Noong nakaraang season, si Ball ay may average na 23.3 puntos at 8.4 assists. (CS)

See Related Story Here:

Stephen Curry balak maglaro sa Charlotte Hornets

TELETABLOID

Follow Abante News on