WebClick Tracer

David naiintindihan mga fan na gustong maghiwalay Barbie, Jak

Tila pinagtanggol ni David Licauco ang mga fan ng BarDa na maghiwalay sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Sa panayam ng media kay David, naitanong sa kanya kung anong reaksyon niya sa mga tagahanga na nais paghiwalayin ang BarJak.

Sey ni David, dapat irespeto ng mga fan ang kanya-kanya nilang buhay.

“I think we all have to respect yung personal lives namin. Siyempre mahal niya si Jak Roberto, meron silang relationship before our loveteam, so we have to respect that,” lahad ni David.

Ngunit aniya, naiintindihan din naman niya ang kanilang mga fan na pinu-push ang tambalan nila ni Barbie.

“Pero siyempre maiintindihan mo rin naman ‘yung fans’ standpoint. Hindi natin sila masisisi kung pinu-push nila kami kasi iyon ang happiness nila and I think we also have to respect that,” dagdag ni David.

Ang hiling lang niya ay sana’y hindi naba-bash si Jak dahil sa kanilang love team ni Barbie.

Sa social media nga ay nauso ang ‘anti-selos’ club kung saan nag-viral ang ilang video ni Jak na iniuugnay sa tila hindi nito pagseselos kina Barbie at David. (RP)

TELETABLOID

Follow Abante News on