WebClick Tracer

Bangka na kabataan sakay, lumubog sa Romblon

Lumubog ang isang pump boat na patungo sana sa Simara Island sa Romblon nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat ng Romblon News Network, ang bangka na MB Sto. Niño ay nagmula sa Calatrava, Romblon.

Ang mga sakay nito ay kabataan na naging parte ng summer youth camp ng Four Square Gospel Church.

Nagsasagawa na ng rescue operations para maisalba ang tinatayang 50 pasahero ng lumubog na pump boat, ayon kay Corcuera Mayor Elmer Fruelda. (RP)

See Related Story Here:

Barkong may lampas 100 pasahero, tumagilid sa Romblon

TELETABLOID

Follow Abante News on