WebClick Tracer

Alapag swak na coach ng Sacramento Kings!

Masayang inanunsyo ni Jimmy Alapag na parte na siya ng coaching staff ng NBA team na Sacramento Kings.

Sa Instagram post ng Gilas Pilipinas legend, sinabi nito na ‘dream come true’ ang maging isang coach sa NBA.

“Proud to announce I’ll be joining Coach Mike Brown and his staff as a Player Development Coach for the upcoming NBA season,” wika ni Alapag.

“Incredibly blessed and thankful for this opportunity,” aniya pa.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Jimmy Alapag (@jalapag3)

Naging assistant coach muna si Alapag ng G-League team na Stockton Kings sa loob ng dalawang taon.

Ilan sa mahahawakan ni Alapag na manlalaro ay sina De’Aaron Fox at Domantas Sabonis, na maganda ang naging stint sa nagdaang season matapos maputol ang pagkauhaw sa playoff buhat pa noong 2006. (RP)

See Related Story Here:

Jimmy Alapag may ‘K’ ba sa NBA? Sacramento coach sumagot!

TELETABLOID

Follow Abante News on