WebClick Tracer

Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong Chinese zodiac sign | Agosto 6, 2023 Linggo

Rat

Ingatan ang iyong liver, tigilan na ang pagiinom at ang iyong bisyo. Kung may nararamdamang masakit, huwag itong dedmahin.

Lucky color and number: Green, 19

Ox

Mag-stay na muna sa bahay kung wala ka namang ibang gagawin sa labas. Huwag hayaan na lumalala ang mga sakit.

Lucky color and number: Peach, 12

Tiger

Conflict day. Magiging emosyonal ka sa araw na ito dahil sa ipapakita niya sa iyo. Magiging mahirap sa iyo maka move on sa nakalipas.

Lucky color and number: Gray, 10

Rabbit

Isang magandang balita ang masasagap mo. Basahin ang lahat ng messages.

Lucky color and number: Red, 6

Dragon

Tunay ang pagmamahal niya sa iyo. May letrang h, d, s, e at a sa kanyang pangalan. Iwasan ang bad influence na nagkukunwaring kaibigan.

Lucky color and number: Brown, 4

Snake

Pag-aralan maigi ang offer niya posibleng maging long-term income ito. Sa pag-ibig muli kayong magkikita ng dati mong kaibigan, siya ang posibleng magpapatibok ng puso mo.

Lucky color and number: Purple, 17

Horse

Good luck star ang nasa chart mo. Ikaw ay may matagal nang pinaplanong negosyo, simulan mo na ito dahil ang business luck star ay nasa chart mo.

Lucky color and number: Yellow, 3

Goat

May isang matandang babae ang maghahatid ng magandang balita sa iyo, siya din ay isa sa mga magiging loyal na customer mo.

Lucky color and number: Gold, 2

Monkey

Ikaw ang pinaka maswerte dahil nasa iyo ang happy family luck star! May taong makikilala mula sa social media na mgpapabago sa iyo.

Lucky color and number: Orange, 15

Rooster

Iwasan ang magsisihan bagkus ay magtulungan na lang upang maresolba ang problema.

Lucky color and number: Pink, 11

Dog

Nasa tamang tao ka na kaya magiging masaya ang buhay pag-ibig. Pero pagdating sa pera, dapat maging mas matalino ka.

Lucky color and number: Aqua, 14

Pig

Nasa huli ang pagsisisi, kaya huwag kang padalos-dalos sa ngayon. Mas mainam na huwag ka agad magdedesisyon kung ikaw ay hindi pa ready sa lahat.

Lucky color and number: Silver, 9

TELETABLOID

Follow Abante News on